Jessica Sanchez - Tonight ft. Ne-Yo (by JessicaSanchezVEVO)

LSS! 

Maging maligaya, magbago at magpaka-tao. Para sa huling taon sa kolehiyo, sa pinaka-masaya at makubuluhang thesis kasama si Direk Malu, sa aking pagtatapos noong Abril sa pinangarap na paaralan, sa unang sabak sa industriya bilang PA para sa Cinemalaya film na Sta. Nina, sa unang sakay sa eroplano para sa mga live events ng Pro.Pro, sa unang beses makapag-camera para sa commercial na nasundan pa ng isa, sa pagkakataong makapag-choreo ng isang buong sayaw, at manalo, at para sa pinaka-matamis na regalo ng 2012, ang oportunidad na maging AD ni Direk Manny para sa isang pelikula. Maraming salamat po sa lahat ng mga walang pagod na nagtitiwala! Balang-araw masusuklian ko din po lahat ng kabutihan ninyo. Maraming salamat po Lord sa lahat ng pagsubok at biyaya. :)Abutin natin ang mga bituin ngayong 2013. :)

Maging maligaya, magbago at magpaka-tao. 

Para sa huling taon sa kolehiyo, sa pinaka-masaya at makubuluhang thesis kasama si Direk Malu, sa aking pagtatapos noong Abril sa pinangarap na paaralan, sa unang sabak sa industriya bilang PA para sa Cinemalaya film na Sta. Nina, sa unang sakay sa eroplano para sa mga live events ng Pro.Pro, sa unang beses makapag-camera para sa commercial na nasundan pa ng isa, sa pagkakataong makapag-choreo ng isang buong sayaw, at manalo, at para sa pinaka-matamis na regalo ng 2012, ang oportunidad na maging AD ni Direk Manny para sa isang pelikula. 

Maraming salamat po sa lahat ng mga walang pagod na nagtitiwala! Balang-araw masusuklian ko din po lahat ng kabutihan ninyo. Maraming salamat po Lord sa lahat ng pagsubok at biyaya. :)

Abutin natin ang mga bituin ngayong 2013. :)

My first ever reel! I hope my future employer likes it. :D

Magnanakaw

Hindi ako matutulog.
Sa ilalim ng nagmumurang araw,
ng nababagot na buwan,
ng mga nagbubulungang puno,
ng mga ideyang nagtatakbuhan, lumilipad,
napapagod, nawawala, naliligaw,
hindi ko magawang matulog.

Dahil alam kong ninakaw lang kita.
Mula sa kanya,
ang unang kumalikot sa aligaga mong puso.

Ninakaw lang kita.
Mula sa pagkakataon.
Kahit alam kong di naman ito tatagal ng maraming taon.

Ninakaw lang kita.
Mula sa kabagutan ng buhay, sa kalamigan ng gabi.

Alam kong ninakaw lang kita, 
kaya hindi ko maatim na matulog.
Ayokong managinip ng mga pantasyang madaling mainip,
ayokong imbes na ako ang magising baka ikaw ang mamulat 
sa libog at alindog ng buhay.

Handa akong mapuyat para yapusin ka.
Hanggang sa mapaos ang nagmumurang araw,
hanggang mayamot ang nababagot na buwan,
hanggang mapipi ang mga nagbubulungang puno.

Bukas mata kitang nanakawin.
Sa kanya.
Sa pagkakataon.
Sa kabagutan ng buhay.
At sa lamig ng gabi.

Hindi ako matutulog.
Hinding hindi ako aantukin.
Para sayo. 
Para satin

About me

here for a reason. a much more complex, significant and bigger purpose than work for something/someone, earn money from it and live a fairly decent life, no. some banks and insurance companies have said this before, and surely in a more creative if not convincing manner, but yes, i'm here to help other people have a better life, if not a different one.

ask hole